Ang tinaguriang Taysan 3 ay bahagi ng Batangas 7 na mga bilanggong pulitikal na kasalukuyang nakadetine sa Batangas Provincial Jail.
Ang Taysan 3 ay binubuo ng mga kabataang magsasaka, kabataang taga maralitang lungsod at estudyante. Sila ay sina Maricon Montajes, Ronilo Baes at Romiel Canete.
Sa kasalukuyan, dalawang taon na silang nakadetine sa Batangas Provincial Jail habang patuloy na kinakaharap ang mga kriminal na mga kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition, Illegal Possession of Explosives, Violation of Omnibus Election Code category P & Q at hiwalay na kasong Frustrated Homicide kay Ronilo Baes.
Ang Taysan 3 ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat na tumulong at nagbigay suporta para sa kanilang madaliang pagpapalaya.
Free Taysan 3.
Free Batangas 7.
Free All Political Prisoners Through General, Unconditional & Omnibus Amnesty!